ang hiwaga ng purunggu
- paano pagagalawin
- ng aking tugma ang kalaro mong hangin?
- paano kukulayan
- ng aking ritmo ang saklob mong ulap?
- paano ilililok
- ng aking talinhaga ang guang mong tuktok?
- paano sisisirin
- ng aking taludtod ang tawilis mo sa lawa?
- paano bubuuin
- ng aking katha ang likas mong nagluluksa?
- paano kita ilalarawan?
- di ako pintor.
- di rin ako eskultor.
- anluwage lang ako
- ng tula
- at tugma.
ika-21 ng nobyembre 1996 / lungsod ng tagaytay