ang lahat ng ito’y pagbabakasakali:
 
tagumpay at pagkabigo
langit at impyerno
 
diyos at demonyo
kasaganaa’t kahirapan
 
eleksyo’t kalayaan
puti’t itim
 
liwanag at dilim
bago’t luma
 
tagtuyo at baha
pikit at mulat
 
wala naman talagang tiyak
maliban sa pagpanaw
ika-10 ng pebrero, 1999 / indang, kabite
Balik sa Main Page l Balik sa Kontents