ang mararangal na tao’y ‘di nalalasing
ang mararangal na tao raw ay ‘di nalalasing.
 
‘di kaya mas tamang sabihin
na ang mararangal na tao’y ‘di nagpapakalasing?
 
o ang mararangal na tao
ay sadyang may amuleto
para hindi malasing?
 
para sa akin
ang mas higit na tumpak sabihin ---
 
ay aytu:
 
ang karangalan ay nakalalasing.
 
1997 / indang, kabite

 

Balik sa Main Page l Balik sa Kontents