ang masugid na manliligaw ng bedspacer ni ka lele
(para kina pareng rizal at dem)
 
ang pinagsaluhang ngiti
ng mga ngawit na labi
sa gitna ng malalanding hagikhik
at mga umis na sabik
ay mga damdaming
pigil
ng kapaligirang sumisikil
sa paglayang ganap
ng mga katagang ‘di maapuhap
mula sa ipininid
na pagsuyo
ng kabiyak na lumayo
 
ano ngayo’t pilit kang naghahanap
ng katuwang sa hinaharap?

ika-22 ng setyembre, 1996 / indang, kabite

Balik sa Main Page l Balik sa Kontents