- pasakalye:
- ang hatol ni hon. vangiemar rollins ng buna lejos regional trial court
- sa ‘di nagtangkang magbasa:
- ‘di ka adbenturero
- o ‘di ka marunong bumasa
- at
- sa nagtangkang magbasa, at
- sa mga lumubog sa kumunoy ng kuryosidad
- at kawalan ng katiyakan:
- adbenturero ka
- o wala ka lang mabasa
- at kung pagkatapos ay:
- ‘di ka natawa
- kulang ka sa malisya
- o maluwag ang ‘yong pustiso
- kung ‘di ka naiyak
- kulang sa sensor ang ‘yong puso
- o kulang sa tubig ang ‘yong katawan
- kung ‘di ka na-in lab
- ‘di mo tiyak ang ‘yong kasarian
- o wala kang pambili ng rosas at kard
- kung ‘di ka nagalit
- ayaw mo ng pagbabago
- at saka ika’y duwag
Balik sa Main Page
- kung ‘di ka naaliw, nabaliw, nagiliw
- nasuka, naiyamot, nainis
- nagtaas ng kilay, napayuck, napa-ismid
- nalibugan, nagpantasya, kinilig
- nahigh, nagiyang, nagtrip
- nangarap, nag-ambisyon, nanaginip
- nanuligsa, pumuri, naging kritik
- ipokrito ka.