Anib, Panganib, UmanibSa putik ng daan, sa dami ng siit,
sa gabing madilim at ulang malamig:
mapanganib. Mapanganib.Sa bigat ng backpack,
amopots at armalayt,
habang nakikipagpatintero
sa kaaway na may flashlight:
mapanganib.Sa dulot ng sugat ng mga paglihis,
sa kabila ng mga buhay, dugo sa kabila ng mga hirap, lungkot
at hiningang ibinuwis at maraming pagtitiis:
mapanganib.Sa tanglaw ng prinsipyo ng MLKMZ
at mapagkandiling dampa ng masa,
ating malalagpasan
ang lahat ng panganib.Sa mahabang kasaysayan
ng ating pagkilos,
pakikibaka
at pakikidigma:
taun-taon, taun-taon
sa mahabang paahon tayong tumutugon
upang ipagdiwang upang ipagdiwang
itong ating Anib. itong ating Anib.Sa 31 taon ng pagrerebolusyon
ng ating kilusang
sosyalismo ang inspirasyon
ay di pagagapi sa putik ng daan,
sa maraming siit, sa gabing madilim,
sa ulang malamig,
sa amba ng kaaway,
nakatutok ang ating armalayt,
sa mga paglihis,
nakahanda tayong magwasto
MLKMZ ang prinsipyo. MLKMZ ang prinsipyo.Sa kalinga ng masa, Sa kalinga ng masa,
sumisiping ang pag-asa. sumisibol ang pag-asa.
Sa taun-taon Sa mahabang panahon
ng pagdiriwang na pagsusulong
nitong ating Anib. ng rebolusyon.Sa pagsilang ng bagong siglo:
naninindigan tayo sa prinsipyo
na ang ating partido na ang ating partido,
ang nagkakaisang prente
at ang sandatahang hukbo
ang siyang magsusulong ang siyang magsusulong
tungo sa tagumpay tungo sa tagumpay
ng ating rebolusyon. ng ating rebolusyon.Mapanganib
ang pagdalo sa Anibngunit kayang lagpasan
kung tayong lahat kung tayong lahat
sa NPA ay sasanib. sa NPA ay sasanib.binigkas sa ika-31 taong anibersaryo
ng partido komunista ng pilipinas
12.30.99