anong title?
(para kay pi’sang rommel)
 
istatwang buhanging
kaytayog mandin
dagling gumuho
sa ihip ng hangin
 
kaluluwang naghangad
na siya’y masilayan
nabigong makita
husay niyang taglay
 
sabik sa palakpak
kulang sa halakhak
ang mundo niya’y makulay
sa kapayakan nabubuhay
 
pagkakataong nakalaan
pinabayaang mawala
sa mga kadahilanang
parang ayaw kong maniwala
 
paano kung sa susunod
ay wala nang magtiwala
at ang kredibilidad
ay tuluyang mawala?
 
saan mo hahanapin ang tagumpay na inaasam?
doon sa gumuhong buhangin
pangarap mo’y muling buuuin.

tuka ng manaul / bisperas ng pyesta ng indang, 1996 / indang, kabite

 

Balik sa Main Page l Balik sa Kontents