awtopsiya ng awtor
- marso 1972:
- hiwalay sa pusod
- laki sa gatas ng ina
- batman pagsapit ng pasko
- marso 1978:
- malusog
- adik sa funny komiks
- talunan sa teks
- marso 1984:
- medyo hindi na malusog
- makatat mambabalagtas
- yoyo exhibitionist
- marso 1988:
- di na malusog
- mangingibig
- punk
- marso 1992:
- di na talaga malusog
- mulat
- long hair
- marso 1995:
- di na lumusog
- ocw(ng) may tattoo
- binatang-ama
- marso 1999:
- wala nang pag-asang lumusog
- adik sa minesweeper
- pirming katalik ang karanasan