Birheng MaryoInosente at basal ang donselya mong isipan.
Ang katulad mo'y ulan sa tag-araw.
Dapat ka ngang igawa ng pedestal.
Dapat ka ring sabitan ng medalya
kahit ba wala ka pa namang nagagawang himala.
Dapat ka rin kayang sambahin?
Dahil sa iyong kalinisan o kamangmangan?Marami kang tanong na kaya mo namang sagutin.
Marami kang ipinagtataka na di naman kataka-taka.
May mga reyalidad sa iyong paligid na di mo kayang tanggapin.
May mga kababalaghan sa iyong mundo na ayaw mong harapin.Lumabas ka sa iyong iskaparate.
Talipandas na lalake!1996/lungsod ng hen.santos