Boredom 2

Di maipagkakailang pasko kahapon.
Dama ko pa ang lamig ng simoy
ng hangin sa labas.
Kumukuti
 ku
           ti
                  tap
pa rin ang mga munting ilaw
sa harapan ng bahay ni Kakang Nena.
(Maski nangangamba siya sa babayarang kuryente).

Di nga maitatangging pasko kahapon.
Amoy ko pa ang gaas at aroma ng
barbekyung inihaw sa likod bahay.
Nag
   ta
             ta
  k
              bu  ha
                 n
pa rin ang mga munting bata
sa harap ng bahay ni Kakang Nena.
(Maski ang mga laruang hawak ay
baril-barilang mapanganib).

Oo nga naman, a-bente-seis ngayon.
Dahil pasko kahapon.
At pasko ngayon sa Mahabang Kahoy.
Paano ba nangyari ang
k   a
         [u]gu         lu
             [an]hang
(ah magulo)
ito.

Di ko maikakailang ikaw
ang dahilan ng mga ito.
Dahil kasalukuyang
l
    a      ngung-
   la
          n  g      o
ako sa pag-iibigan natin.

12..26.99/indang, kabite

Balik