bulalakaw
(para kay agnes)
 
akala ko'y ang
paglimot sa dating
pag-ibig
ay paglaya,
subalit
'di pala
isang gabing katitila
pa lamang ng ulan
naglalakad akong
sakbit ang pangamba sa aking balikat
habang namumulot
ng mga latak ng aking pangarap.
nang sa guguhit itong bulalakaw
sa lawak ng kalangitang
masuyong tinatanglawan
ng liwanag ng buwan.
 
saglit akong natigilan,
saglit akong nawala sa natural.
binuo ko sa bilog na usok
ng sigarilyo
ang kariktan ng iyong anyo,
sa pag-asang makikita
kitang muli sa ibang mundo.
kinapa ko sa aking kupas na maong
ang bulsitas ng aking pag-ibig,
sa pag-asang mapapasaakin ka
at dito'y maisisilid.
 
nguni
nagulantang na lamang ako sa katotohanang
kailanma'y 'di ka maaring maangkin
sapagkat
doon ka kabilang sa langit
at mga bituin.
gayong ako'y matagal nang pag-aari
ng lupa
at makasarili kong damdamin.
ito kailanman
katiyakan
para sa bagong pagsuyo
ng isang duwag na puso.
 
 
ika-12 ng agosto, 1997 / kalakhang maynila
 
Balik sa Main Page l Balik sa Kontents