- byuti kontes
- kung maganda ka at seksi, sumali ka sa timpalak
- sa tatanghaling mutya, ang gantimpala ay limpak
- bastat ikendeng ang lakad sa entabladong karnabal
- at pagbutihin ang sagot sa mga katanungang hangal
- kung bulinggit ka pa at ang dibdib ay munti
- sa tanghaling pakontes ng mga komedyante sumali
- nagkabisa ng tula o mag-hawaiian dance kaya
- puwede ring magpakabaliw na katulad ni sisa
- kung dalagita ka naman, basta bat may pustura
- ngumiti nang kay landi hanggang mangalay ang panga
- ipakita ang singit hanggang mata nilay lumuwa
- at pang-kalendaryo na ang pinagpantasyahan mong mukha
- may papremyong losyon para sa binting pinakamakinis
- may pabaong tutpeyst sa ngiting pinakamatamis
- trip to hongkong naman para kay miss kalamismis
- magiging modelo ng pantit bra ang katawang kurbada
- at pag nagustuhan ni direk, may kontrata ka sa pelikula
- di bale nang baluktot ang ingles
- bastat alam kung alin ang "no" at alin ang "yes"
- "di bale nang makita ang kaluluwa
- kung kaluluwa mo namay naka-setrot korona
- at saka mo maiintindihan,
- ang eksploytasyon may bago nang katawagan:
- "mga kababayan!
- ang prestihiyosong byuti kontes, inyong tunghayan!"
- ika-26 ng marso, 1996 / indang, kabite
- Balik sa Main Page l Balik sa Kontents