di ko
- di ko akalain
- na sa aking pamamaybay
- sa pilapil ng buhay
- ay nariyan kang masuyong aagapay
- sa aking mga pagkakadupilas
- di ko akalain
- na sa aking paglalayag
- sa lawak ng dagat
- ay nariyan kang masuyong sasagip
- sa aking pagkalunod
- di ko akalain
- na sa aking paglipad sa tayog
- ng langit
- ay nariyan kang masuyong aalalay
- sa aking mga baling pakpak
- akalain mo nga naman
ika-26 ng setyembre 1998 / indang, kabite
- Balik sa Main Page l Balik sa Kontents