- dibuho sa katawan
- sa loob ng dalawang oras
- na iyong ipinagtiis
- ay para ka ngayong bagong labas sa bilibid
- sa naiiba mong maskara
- hindi nga lang sa mukha
- kundi ay sa braso
- o kayay sa dibdib mong maskulado
- mistula kang dragon
- na bumubuga ng apoy
- para kang bungong
- bagong hukay sa pantsong
- sinrikit ka ng rosas
- na may ngalan pa ng misis mo
- kay baduy mo sa logo ni superman
- na nakaukit sa butuhin mong braso
- pero,
- bilib ako sa tapang
- at hindi ka sumuko
- sa karayom na kontrolado
- ng kapirasong makina
- na buhat sa palsipikadong radyo
- at ngayoy nagpapadugo
- sumusugat at umuukok
- sa makinis mong balat
- ang kapalit ay habambuhay
- na artistikong tatak.
ika-22 ng hunyo 1994 / nasugbu, batangas