Gamot
(Lizette Ocampo)

May puti, may pula
May puti't pula
Meron din namang lila
 na paborito ng aking mata

May pahaba, may pabilog
May pahaba na pabilog
Meron din namang patulis
 at iba-iba pang hugis

May kapsula, may tableta
May pinagsamang kapsuleta
May likido, may pulbura
 na sa tubig tinutunaw
 di naman pamatid-uhaw

May mapait, may mapakla
May tamis-anghang ang lasa

May nilulunok, may tinuturok
 may tinatapal, may pinapasok sa puwit
May sinisinghot, may pinauusok
 may binobomba sa bibig
May mahapdi, may malamig
May mainit pag pinapahid

Ano? Para kanino?
Para saan?  Para kailan?

Buong buhay ko
Laman, buto at dugo
 may gamot ng halo
Di man ako mapagaling nito ng husto
Dinudugtungan naman ang nalalabi kong minuto
 dito sa mundo

12.26.99
 

Balik