garahe
 
ang mga hitsura nila’y maaaring:
bagong linis at malusog
madungis at mukhang durog
patse-patse gawa ng aksidente
parang parol sa kolerete.
mayroon ding bagong hilamos,
puyat,
manganganta,
inuubo.
puwede rin namang iskeleton,
hubad,
o patay.
ganyan silang mga awtomobil
doon sa kanilang mundo’y nakahimpil.
 
ganyan silang mga awtomobil
‘pag nalaos na’t ‘di na makasayaw sa klab.
 
ika-22 ng nobyembre, 1994 / lungsod ng tagaytay
 

Balik sa Main Page l Balik sa Kontents