huling
hirit sa tugmaang walang tugma
-
Marami ang nagpapalagay
na ito ay isang tugmaang napapalooban ng mga ‘di-tahasang kahulugan na
nais ipabatid ng may-akda. Mayroon pang nagsasabing kinakailangan mong
magbasa sa pagitan ng mga linya upang lubos mong maunawaan ang mensahe
ng tula. Kailan nga lamang ay may isang kaupisina ang awtor na muntik nang
maulol matapos mabasa ang tula. Kanya-kanyang palagay at pakahulugan na
ang naibigay ng mga nakabasa, iba’t-ibang damdamin (karamihan ay naiinis),
sari-saring reaksyon.
-
-
Sa kabila ng lahat
na ito, nais ipabatid ng may-akda na anumang pagkakahawig ng mga karakter
sa tula sa tunay na buhay ay hindi sinasadya. Ang ilang bida ay sinadyang
baguhin ang pangalan upang mapangalagaan ang tunay nilang pagkatao sa matibay
na pananalig na ang gatas ng ina ay siya pa ring pinakamabisang ipasuso
sa sanggol at sapagkat dermatologically tested, kinakailangang ihiwalay
ang de-kolor sa puti upang maiwasan ang kabag at pananakit ng ngipin dulot
ng paliligo sa dagat na walang tubig at pagkain ng labis na fishball
gayung mas masarap naman ang isaw. Isang paalala hatid ng Colgate
at ng programang ito. Ipagbunyi ang (buwitreng) nakaraang APEC Summit pati
na rin ang (pekeng) EDSA Revolution! Gawa ng Pfizer.
-
-
walang eksaktong
petsa nang pagkakasulat, basta’t taong 1995 sa lungsod ng heneral santos
-
Balik sa
Main Page l
Balik sa Kontents