- isang tula ng pagkainip
- [tunggalian sa sm]
ni jupiter
- nakakainip ang maghintay
- sa pagwawakas ng pagkainip
- itim na ang kulay ng kahel
- subalit wala ni bakas ni axel
- binabangga ng inis ang rason
- nagwiwikang "umalis ka na ngayon"
- huwag kunsintihin ang nakalilimot sa isang salita
- pinagpapala ang naiinip
- pagkat nasusukat ang sining at hiwaga ng paghihintay
- nakakainip ang maghintay sa pagwawakas ng pagkainip
- ang pagtunganga ay gawain lamang ng may tyaga
- ginigising ng iyamot ang lohika
- sumpain mo silang hindi dumarating sa tagpuan
- tanging masarap at libreng tanghalian
- ang makapagpapahupa sa apoy ng tunggalian
- ang ritwal ng alibay at paumanhin:
- pikit-matang palalampasin,
- at nagtatanga-tangahang uunawain
- pagdakay saka ko iisiping:
- kumpare ko ang salarin