- kapirasong paghanga
- (para kay romina)
- babae
- kang nag-aalyas sa pangalang lalake.
- peminista
- kang sandatay panulat ng isang aktibista.
- kamag-anak
- kitang, di naman natin ganap na tiyak.
- ganunpaman,
- isang paghanga ang aking naramdaman
- sa mga akda mong natunghayan
- ng mga retina kong
- tulad rin ng mga mata mong
- mapagmasid
- sa ating paligid
- at
- anluwage
- ng mga kathang-damdamin.
- sana ang mitsa sa mithi mong pagbabago
- ay patuloy ang ningas
- tulad ko
- maski sa tugmat ritmo man lamang
- nagnanais na mapaalab
- pag-ibig sa ating bayan.
- ika-3 ng hunyo, 1996 / indang, kabite
- Balik sa Main Page l Balik sa Kontents