Kundanganbamang
(Bangge Gerpacio)Kundi ka naging bulag,
nakita mo sana ang dinadaanan mo,
Napansin mo sanang marami kaming naghihirap
di kagaya mo
Bulag ka man
may taga-subo ka
Umaakay, naglilingkod
at nagpapatindi g katotohanang
bulag ka!Kundi ka naging bingi,
nadinig mo sana ang daing.
Daing ng mga inaapakan
Nagunita mo sanang walang Baleleng at Dandansoy
ang idolo mong si Michael at si Whitney
Sana'y nakilala mo ang kubing
hindi ang tinis ng gitara ni Hendrix
Bingi ka ba naman!Kundi ka naging pipi,
di sana'y natugon mo ang aming tanong
Sa ilong lumalabas ang boses mo
na ang tanging binabanggit ay Yo!
Nakakaawit ka sana ng Bahay Kubo
Hindi ka nga pala makakanta
Sa ilong lumalabas ang boses mo
Pipi ka kasi!
Paano ka nga pala nakakapangako?
Ah! sa ilongKundi ka naging pilay
di sana'y nakatayo ka sa trono mo
Nahila mo sana ang mga naaanod sa baha
ang mga natabunan ng lahar
Nailigtas mo sana ang nasa bingit ng kamatayan
Pilay ka man
may kapangyarihan kang lumipad
upang maghakot ng chocolates at prunes
Palipad-lipad ka na lang
Paano'y pilay ka!Kundi ka naging tanga
di sana'y di ka na nabulag, nabingi
napilay at naapi
Nagpauto ka kasi
Nahiya ka sa kulay mo
Ang tanga-tanga ba naman!
nadamay tuloy kami sa katangahan
Nangyari'y nagutom ami lalo't nabaon sa hirap
Lalong naapi
Lalong naging alipin
Sayang
Ang tanga-tanga ba naman
Tsk! Tsk! Tsk!
Kundanganbamang
nagpatanga-tanga ka