Kundiman

At sa palagay mo’y susungkitin
ko ang buwan at pipitasin
ang mga bituin?
Nagkakamali ka.

At sa palagay mo’y sisisirin
ko ang dagat at aakyatin
ang mga bulubundukin?
Nagkakamali ka.

Baka akala mo’y iibigin kita habambuhay
at idadambana sa pedestal.
Nagkakamali ka.

Baka akala mo’y gagawin
ko ang lahat
para sa ating pag-ibig.
Nagkakamali ka.

At kung inaasahan
mong ako sana’y nagbibiro lamang
sa aking mga salitang binitiwan;
tama ka.
Ang lahat ng iya’y aking gagawin.

12.18.99/naic, cavite

Balik