Kung Paanong Maglihi ang Isang Babaeng Mandirigma
(Para kay Ka Maura)Humahalo ang iyong mga
umis,
hagighik,
hagakhak
at sa kalauna’y nagiging halakhak
sa gitna ng salimbayan
ng mga ideya at kaisipan;
ng mga prinsipyo’t katwiran
ng mga kasama
sa loob ng pulang paaralan.Habang pinaglalaruan
mo ng pindot at pisil
ang mga tinik
ng modernong rebisyunismo
ng guyabanong
inaasam mo sanang hinog
at singtamis
ng unibersal na teorya ni Marx.12.18.99/naic, cavite