lovers lane
- bago pa man tayo nagkahiwalay
- bago pa man ako nagkaroon ng kapalit sa yong buhay
- bago pa man nagbunga ang ating pagmamahalan
- bago pa man tayo pinag-isa ng batas at simbahan
- bago pa man naganap ang unang pagsasanib ng ating katauhan
- bago pa man kita sa iyong thesis ay tinulungan
- bago pa man nangyari ang di mabilang na singhalan at lambingan
- bago pa man kita nayakap at nahalikan
- bago pa man ang ating unang date sa jollibee sa baclaran
- bago pa man tayo naging magkasintahan
- bago pa man na ikay aking inagaw sa dati mong katipan
- bago pa man ikay aking sinuyo at niligawan
- bago pa man na akoy naglakas-loob na ikay ihatid at sabayan
- at,
- bago mo pa man natanggap ang una kong humahangang liham
- ay
- nauna na riyan
- ang matiyaga kong pag-ukit ng iyong pangalan
- katabi ng aking pangalan
- sa loob ng disenyo
- ng isang payak na puso
- doon sa balat ng puno ng kaymito
- sa may lovers lane
marso 1995 / indang, kabite
- Balik sa Main Page l Balik sa Kontents