- may santo sa dilim
- (rated r)
- mapakla ang pabaon ng nagdaang gab-i
- puno ng iyamot at damdaming tinimpi
- kung kayat sirang-sira
- ang umagang bumulaga
- sa temtasyong kinitil ng hangal na pangamba.
- eh, kung bat kasi nagkasundo pa tayo
- na magsama roon sa mumurahing kuwarto
- nong unay nagdalawang isip pa ako.
- pero sabagay,
- matagal na rin naman akong natutulog nang nag-iisa
- roon sa madilim at igado kong silid
- tamang-tama ang pagkakataon sa di pinlanong pagniniig
- magyayakapan tayo sa nakamaskarang lamig
- at ng dalawang katreng magkadantay
- na ang unan at kumot ay tuksong kumakaway.
- nang magpatong ang maiksi at mahabang kamay
- nitong orasang pangdingding
- nagpasya ka nang mahiga at magpahinga
- habang ako na kasiping mo
- ay mariing nakapikit ang mga retina
- pigil ang nadaramat habol-habol ang hininga.
- siyet! ayaw pa akong kalabitin ng antok
- sige ang tirya mg pantasyang maharot
- di ako makaisip ng papaslang sa luntian kong imahinasyon.
- nanigarilyot nangubeta
- pinatay-buhay ang telebisyon
- ngunit di pa rin ito nakatulong
- sa katawan kong balisa, sa guni-guni kong masalimuot.
- lumisan ang hatinggabi at kumatok ang madaling araw
- dama ko ang nakadilang tukso
- ng katawan mong kayganda ng hubog
- sa ilalim ng nag-aalimpuyong kumot
- animoy kuryenteng pumupukaw at kumikiliti
- sa ikalawa kong utak.
- dinedemonyo pa rin ako ng mabalahibo mong binti
- na mayat mayay dumadaiti sa akin ring binti
- para itong matatalim na kidlat
- na sa naninikip kong salwal ay gumugulat.
- buntong-hininga, tighim
- at buntong-hininga
- naglakas-loob ako at nagpasya
- nang isang nag-iinit na bahala na-----
- eto na!
- ay,
- aywan ko ba!
- nag-umaga na lang at sukat
- ni wala akong nagawa
- kundi ang magpantasya nang dilat
- at magpuyat!
ika-21 ng nobyembre 1996 / koronadal, timog kotabato