Minsanisip
(Para kay Lizette)

I. Minsa’y
   iniisip ko
   kung papaano.
   Paano pagtatagpuin
   ang dalawang magkaibang mundo?

II. Iniisip ko rin,
   kunminsan.
   Na papaano ko
   guguhitan ang pagitan
   ng reyalidad
   sa birtwalidad?

III. Pagsasanibin ba
    ang balatkayo ng huli
    at damdamin ng una?
    Magkaminsan,
    ganyan ang naiisip ko.

IV. Pagdugtungin ko kaya
    ang mga pagkakaiba
    ng dalawang magkaibang
    daigdig?
    Iniisip ko
    minsan
    na minsan
    ay minsan ko lang
    maisip
    na mag-isip
    ng minsan.

12.1.99/kalakhang maynila

Balik