Missed Kita

Kelan ba tayo huling nagkita?
Kelan ko huling namasdan ang kislap ng iyong mga mata?
Kaytagal na nang huli kita mayakap.
Kaytagal na nang huli kitang mahalikan.

Sana naman ay iyo pang natatandaan
Ang mga umaga ng ating pamamasyal.
Karga-karga ka.
Sana naman ay io pang naaalala
Ang mga hapon ng ating paghahabulan
Akay-akay ka.

Sayang at biktima tayo ng mapaglarong tadhana.
Gustuhin ko mang lagi kang kasama ay di ko magawa.
Naisin ko mang punuan ang kakulangan mo sa kalinga
Ay may mga bagay na siyang dapat mauna.

Sana naman sa walang muwang mo pang isipan ay natanim
Ang pagmamahal kong nagigiliw
Sa isang munti, inosente at nangungulila
ring anak sa pagmamahal ng isang ama.

1995/lungsod ng hen.santos

Balik