paa
- paa moy may sampung galamay
- panggala kung naiinip
- armas kung may kaaway
- paa moy mabaho
- kung galing sa medyas na paborito
- at sa sapatos na walang ligo
- paa ang pagkakakilanlan
- at sa sampung pisoy inilarawan
- isang bayani ng bayan
- paa moy libangan
- habang itoy kinukutkot,
- habang ang libag
- na iyong kinakamot
- ay sabik mong malanghap
- paay masuwerte
- wag itabi sa iskaparate
- di tulad ni ka pepe
- saklay na walang buhay ang paa
1994 / nasugbu, batangas