Paglaki Ko"He!
Naku ang batang ito,
wala nang inatupag
kundi ang magkalat at makipagbabag."Pak!
Ang lagapak
ng lumatay na sinturon
sa murang puwitan ng batang
matigas ang ulo."Lintik ka!
Ke liit-lit mo pa'y
malaki pa sa iyo ang katarantaduhan mo."Pak!
Ang latay
ng lagapak ng sampal
sa murang pisngi ng batang
salbahe."Putang ina ko!
Putang ama ko!
Paglaki ko, gaganti ako!"1.15.00/indang, cavite