- pagsasarili
- (rated x)
- isinalang ang hubong teyp
- sa mapanuksong betamaks na yaring Japan,
- at kumulo ang pagnanasa ng damdaming sabik
- sa nakatihayang karne ng paralumang gumibik.
- bumukol ang pundiyo't pantalo'y nanikip,
- umurong ang silya nang mapasikad ang paa,
- nagka-ulap ang paligid nang tumirik ang mata,
- n'gawit ang bisig sa pagtaas at baba,
- panit ang maugat na gatil sa himas at piga,
- nagmistula ang ilalim na itlog na pula,
- at kasabay ng naghahabulang buntong-hininga
- ay bumalong ang buo-buong katas sa pagitan ng hita.
- at ika'y nanglata
- sa pagsusumikap
- na mangarap
- ng sinariling pulo't gata.
ika-19 ng hunyo 1995 / lungsod ng heneral santos