PanaginipWalang singsarap ang magising
buhat sa panaginip
na ang laman ay ikaw.Parang bagong timplang
mainit na kape
na kaysarap ng hagod
sa lalamunan.Nakakapangiti.
Walang singsarap ang bumangon
buhat sa panaginip
na ang kaulayaw ay ikaw.Parang bagong bukas
na malamig na beer
na kaysarap ng hagod
sa lalamunan.Nakakapa-ahhhhhhhhh.
Ho-hummmmm.
Balik na lang ako sa tulog.12.2.99/kalakhang maynila