pira-pirasong panahon
- malungkot, masaya ang kahapon
- matamis, mapait ang kahapon
- ang natagpuang kasuyoy akin nang nilimot.
- masalimuot, ngunit puno ng pag-asa ang kasalukuyan
- nanunukso, ngunit puno ng pagtitimpi ang kasalukuyan
- ang hinahanap na bagong kasuyoy akin nang natagpuan.
- kulimlim pa rin ang kasalukuyan, sanay maaliwalas ang bukas
- patila na ang ulan, sanay liwanag ang hatid ng bukas
- ang natagpuang kasuyo, nais ko nang kasama hanggang wakas.
- siya ang kahapon
- ikaw ang ngayon
- ikaw pa rin kaya sa darating na panahon?
- 1995 / lungsod ng heneral santos