puga
- pabalik-balik.....paikut-ikot.....
- bumabaligtad ang aking cerebrum
- para mundo, sasakay ako
- di ako makaabot sa bilis ng iyong takbo
- litung-lito.....
- bat ba di mo pa ako lubayan?
- nasasakal ako?
- puno ng usok ang aking silid
- mantalang di naman ako naninigarilyo
- gusto kong pumailanlang,
- bumiyaheng kasama ang cast ng star trek,
- tumakas.
- kagyat akong nilamon ng aking sarili.
- samut saring mga kulay, ibat ibang tunog
- maraming tao, wala silang mga mukha
- dumarami ang sulok ng aking kuwarto.
- nagbabagsakan ang kisame,
- iniaangat ako ng sahig.
- pakiramdam koy namanhid.
- at akoy nalunod
- sa sarili kong uhog.
- (susulpot sa eksena ang isang diwata at iwawasiwas ang kanyang magic wand)
- hu, salamat. nakahulagpos rin ako.
- akala koy di na ko lulubayan ng bangungot.
- ayaw kong balikan ang kahapon,
- kahit ba bahagi ito ng ngayon
- at bukas.
- sawa na ako sa buhay na nakabitin.
- hindi bumababa, hindi tumataas
- hindi sumusulong
- hindi rin naman umuurong.
- ilang panahon rin akong nabangat
- sa pagkukuwenta ng sari-saring pormula.
- akala koy di na ako makakalabas
- sa pinasukan kong sunog.
- akala koy iyon ang cool -
- ang paalipin sa usok.
- ilang sandaling lilimutin ang reyalidad
- iiwanan ang normal, sandaling pupungay ang mga mata
- at kung dilat namay nakamulagat sa pangamba:
- na kumusta na kaya si itay at inay sa ibang bansa?
- ang utol ko sa maynila, may allowance pa kaya?
- ang syota ko, kelan kaya kami magkakabalikan?
- short na naman sa baon,
- may eksamin pa kami sa stat ngayon.
- walang magawa!
- nakakairita ang magbasa ng diyaryo,
- o manood kaya ng tv,
- maging ang makinig ng radyo.
- mayat mayay sinasalitan ang pekeng aliw
- ng tunay na lumbay ng ating mundo.
- nais kong maging mababaw lamang.
- ayaw kong makibarkada sa katotohanan.
- tatlo na ang absent ko horti 31,
- araw-araw ang karahasan sa lipunan,
- na-reject ang manuskrito ng aking thesis,
- mga nakatutok na bombang nukleyar,
- nag-away na naman daw si erpat at ermat,
- di matapos na usaping utang-panlabas
- puwede namang umasta na walang pakialam
- ngunit pagkatapos ay ano?
- magmistulang panakot-uwak?
- dapuan na sa balikat ay nanatiling nakadipa.
- tanda ng pagsuko.
- ismiran ang problema.
- umeskapot kumain ng damo?
- tumakbo habang may batak na bato?
- at nang di mahuli sa uso.
- galing na ako riyan. wala na akong planong bumalik.
- di problema kung di maka-iskor ng bagong 501.
- epekto ng tibok ng pusoy hindi rin dahilan
- para ang ngayon ay talikuran at takasan.
- hindi ang kakulangan ng kalinga ni inay at itay
- ang nakapagpapahina, hindi ito ang nakakapilay.
- bagkus ay ang patuloy na pagtakas sa katotohanan
- ang tunay na kahungkagan ng buhay.
ika-7 ng hunyo 1992 / dubai, uae