Sa Aking Pagtulog
(Jupiter)

Habang nanunuot ang lamig sa balat
Pilit kong pinigil na paa'y iunat
Ang maikling kumot ay pagkasyahin
Mahimbing na tulog ang siyang hagarin.

Subalit paano ka ba aantukin?
At ang konsensya ay patatahimikin
Gayong do'n sa labas ay may dumaraing
Mga kaluluwang hindi nahihimbing.

Habang ako pala ay nais matulog
Ay madami ang baon sa bubog
Nang ako'y maidlip sa saliw ng tugtog
Sa katotohanan ako ay nauntog.

Balik