salamin

salamin,
salamin sa dingding
sabihin,
sabihin mo sa akin
kung sinong pinakamarikit
sa buong lupain.
 
salamin,
salamin sa dingding
ihayag,
ihayag mga nakatago mong lihim.
pangpakalma man lang ng damdamin
damdaming,
nalulungkot at naninimdim.
salamin,
salamin sa dinding
anu’t balot ka ng kabalintunaan
at mapanghusga sa labas na kaanyuan?
salamin,
salamin sa dinding
kung sakaling ika’y maging sinungaling
nararapat sa iyo ay basagin.
 

ika-27 ng setyembre, 1998 / indang, kabite

 

Balik sa Main Page l Balik sa Kontents