sasamahan kita
- sasamahan kita kung ang gabiy kulimlim
- di ko hahayaang maglaho ka sa dilim
- titingala tayong sabay, upang masdan ang bituin
- sasamahan kita kung ikay puspos ng lumbay
- di ko hahayaang lungkot sa iyoy pumatay
- aaliwin kita sa tuwat hiwaga ng buhay
- sasamahan kita kung bumubuhos ang malakas na ulan
- di ko hahayaang lamig ay yong maramdaman
- yayakapin kita at ipadarama ang aking pagmamahal
- sasamahan kitang buuin ang iyong mga pangarap
- sasamahan kita upang mga panaginip moy matupad
- sasamahan kitang lumipad sa ulap ng galak
- sasamahan pa rin kita kung ikay masaya nang ganap
- sasamahan pa rin kita kahit di mo na ako gustong kasama
- sasamahan pa rin kita kahit man lang sa aking gunita
- 1995 / lungsod ng heneral santos