si bojo.....
sa kaharian ng bungang-tulog
 
sawang-sawa.
iritang-irita:
pero gustong-gusto pa!
pawis na pawis sa kaylamig na silid,
hinihingal....
pero wala ka namang ginagawa;
pikit]
[ngunit diwa ay gising.
dil@t,
ngunit naiidlip ang utak.
paano ba patutulugin ang taong binabangungot?
ipakulob sa usok ng diwang marupok
kasabay ng pangarap na unti-unting natutupok
kasabay ng katawang-lupa na unti-unting nanghihina
kasabay ng bulsa na unit-unitng na-iiga.
at/
ang buo
mong katauhan
ay lalamunin
ng bato,
ng alulod
ng apoy
at
ng
usok
enero, 1995 / lungsod ng heneral santos
 

Balik sa Main Page l Balik sa Kontents