si janet
- inalok ng pagsuyo,
- ipinakita ang pagkarahuyo.
- kinumbinsi,
- na di siya magsisisi.
- umoo ng hindi,
- humindi ng oo.
- naguluhan ako,
- akoy napatakbo.
- binalikan,
- muling niligawan.
- natakot siya.
- ako kayay gusto rin niya?
- natakot uli.
- pagkat ayaw palang mauwi
- sa walang katiyakan
- ang kanyang nararamdaman.
- si janet ay dalaga.
- akoy hindi binata.
- ayaw na niya,
- ayoko na?
1995 / lungsod ng heneral santos