sino si santa claus?
- sino si santa claus? ang tanong sa kin
- ng mga batang walang makain
- bakit maririwasang bata siyay kapiling?
- mantalang kamiy hindi niya pansin.
- pakinggan nyo totoy, nene, nang malaman nyo
- si santa claus ay isa lamang negosyo
- minamasdan lamang ang karukhaan ninyo
- pagkat puhunan niya ay kayo
- kayat ngayong pasko wag umasa sa keso
- sa magagarang damit at mapupulang lobo
- pansamantala lamang ang lahat ng ito
- kahirapan pa rin ang tunay nyang aginaldo
ika-15 ng disyembre 1996 / tagig, kalakhang maynila