- sinungaling
- (para kay aileen)
- ha!?
- anong sambit nila?
- maganda ka?
- sinungaling...
- bakit?
- paano kaya nila nasambit?
- na ikaw raw ay kaakit-akit
- sinungaling...
- arg!
- buti sana kung silay mga bulag.
- sa pagkakamaliy may karapatan.
- subalit silay mga hibang,
- ikaw raw ay nakabibighaning dilag.
- sinungaling...
- aw!
- at anot silay napa-wow!
- kung ikay mamamasdan
- di bale na raw
- na ang mundoy magunaw.
- sinungaling...
- ewan,
- puro sila kasinungalingan
- nagsasayang sila ng laway
- pati mga sariliy inililigaw.
- mga sinungaling...
- pero,
- ika nila:
- dapat raw muna kitang makita
- at nang magrehistro sa aking retina
- ang nakakagiliw,
- nakakaakit,
- nakakabaliw
- mong mukha.
- ayun.
- nagkita tayo kahapon.
- kaya ngayon
- akong magpapatunay
- ako mismo ang sasambit
- nang nagdudumilat na katotohanan
- ako mismo ang aamin
- na sila
- ay di pala
- mga sinungaling
- 1997 / kalakhang maynila
- Balik sa Main Page l Balik sa Kontents