Sisihan
(Mel Ledesma)Mahal niya ako, mahal ka niya,
E di pareho tayong nagdurusa!
Ikaw kasi, manonorpresa pa -
Uuwi ng Pasko nang walang abiso.Ako kasi, di nakapaghintay
Kaya hayun - namasko sa iba!
Dahil sa pangungulila
Kapwa nagkamali.Kung may nalulunod daw sa pag-ibig,
Mauroon ding nagtatampisaw lang.
Ako ang nagtampisaw - ako pa ang mas nabasa,
Ikaw ang nalunod - sinagip naman.May nagmamahal sa akin - may nagmamahal sa 'yo.
Kapwa naman tayo pakitang-gilas na maligaya.
Na alam naman nating hindi totoo
Dahil sa totoo lang, nagmamahalan tayo.Hindi ako baliw, at indi ka hibang
Kung bakit ba natin pinaparusahan ang ating sarili.
Gayong disinsana'y tayo pa rin noong itong pag-uwi
Kung ipinaalam mo lang!Huwag na sana tayong magkita -
Sa panaginip na lang magmahalan
Ayokong sa huli'y mga nagmamahal sa atin
Ang siyang magsisihan!