SOP

Pangahas ang bawat kataga.
Mapusok ang bawat salita.
Mapanukso ag bawat buntong hininga.

Mga katagang
sana’y may kakayahang
akapin ang hubad mong katawan
at hagkan ang basa mong labi.

Mga salitang
sana’y may kakayahang
damhin ang init ng iyong balat
at angkinin ang iyong kapusukan.

Mga buntong-hiningang
sana’y may kakayahang
dugtungan ang nalalabi mo pang buhay.

12.3.99/kalakhang maynila

Balik