tugmaang walang tugma (taguri, akyon at adhektibo)
 
pinalakpakan ng seksing laway ang nasunog na bigotilyong lubid
at ang de-kwelyong gamu-gamo ay nag-araro sa kutuhing bibig
samantalang ang paos na hita ay kumain ng unanong himig
sa gitna ng kubang niyog at kalbong bolpen na kulot ang litid
umawit ang bahaw na tsinelas nang bumusina ang peryodikong hilaw
habang ang pakpak ng tinta ay tila berdeng barbekyung simisigaw
sa mga malambing na sumbrero ng singkiting lapis na ayaw umilaw
kahit pa bagong gradweyt ang kuripot na kili-kiling sumasayaw
ipinaligo ko ang sintas ng telebisyon na pinitas ko nang pa pabulong
kaya’t ang barkong nag-almusal ng kalawanging manok ay nagsinturon
sa ilalim ng hubong dyipni na humalik sa buldoser n’yang kalong
kasabay ng pagsimba ng piping sapatos sa nakatiwarik na city hall 
tinikman mo ang bungang-araw ng kasiping kong tsismosang buhok
pero binasted ng balediktoryang gripo ang bituing nabubulok
maging ang yapak na gitara ay nangamoy sa loob ng panis na gulok
at paiyak kong binakuran ang sipuning eroplanong nagmumukmok
manganganak na yata ang poging tigdas sa nagda-jogging kong utak
dahil ipinagtahi ko ng salamin ang sigarilyo ng platong sumusulak
natauhan lang ang lumilipad kong kilay nang pakutsarang nagulat
sa isang sundalong relos na nakalipstik at katulad ko ring BANGAG!
 
Balik sa Main Page lBalik sa Kontents