upos 1

matapos kang ligisin
sa apak ng paa
ay ano’ng naging silbi mo?
dagdag na kalat?
nakakairitang basura?
wala ka namang talagang silbi
bago pa man ang amo mo ay nakisindi.

 

upos 2
 
matapos kag itapon
sa kalye ng mundo
ay anong naging gamit mo
dagdag na usok
sa ulap sa lungsod
wala ka naman talagang gamit
maging sa baga ng ‘yong amo
na ‘yong pinupunit.
 

ika-31 ng agosto, 1996 / lungsod ng las piņas

 

Balik sa Main Page l Balik sa Kontents