- wag 1
- (ang hula)
- wag
- wag na wag mong gigisingin
- ang mga tula kong malaon nang nahihimbing
- wag
- wag na wag mong itutulot
- na tugmat ritmoy muling bumalong
- pagkat
- pagkat matagal nang namahinga
- ang mga lirikot talinhaga
- na inalay sa bayat sinisinta
- wag
- wag na wag mong tutuksuhin
- ang damdamin kong malaon nang nahihimbing
- wag
- wag na wag mong hahayaan
- na pagsuyoy muling maramdaman
- pagkat
- pagkat matagal nang inilibing
- ang pinaslang kong pag-ibig
- na inalay sa dating kaniig
- wag
- wag naman sana
ika-3 ng hulyo 1997 / lungsod ng dabaw
- Balik sa Main Page l Balik sa Kontents