What's My Name?Mapanudyo ang hapong iyon.
Nag-iimbita ng kakaibang trip.
Ang hunab ng tinatamad na ambon
ay kakaibang pantasya ang hatid.Pakiwari ko ba’y kaanib ako ng ulap:
lulutang-lutang, lilipad-lipad
nakakalula, subalit ang sarap
magkaminsang damdami’y aking ibilad.‘Wag mo na akong kausapin, pakiusap;
lalo na ang kalabitin
at baka mabitin
ang paglalangoy ko sa alapaap.Letse..
What’s my name? What’s my name?
Nakakahibang ka.
Gusto mo, i-drowing pa kita?
Kung p’wede’y pumayag ka
dahil baka bukas limot na kita.abril 1999/indang, cavite