home about me my articles site map links guestbook

« She | Agaw Buhay
Agaw Buhay
--verl--

kagabi,
kinumutan ko ang aking sarili
ng hinagpis.

humalik sa 'king labi
ang dose-dosenang tabletas
sa lalamuna'y gumuhit,
tiyan ko'y tumanggi't bumaligtad
iniluwa ang sumaklong na pait.

...iniwan akong tigang
nang naagas ang munting buhay
na dating sumisipa sa sinapupunan ko...

dumampi sa 'king pulso
ang lamig ng patalim
ako'y pumikit,
ugat unti-unting ginilit
walang dugong sumirit...

...ang mapayapang sinag ng buwan
ay siyang kamay ng aking munting anghel
sa paghaplos niyang malambing
tumahan ang kalooban kong tumatangis...

ngayong umaga,
sa gitna ng kahabaan ng kalsada,
tinabig ko ang paslit na tumatawid
sumalpak ako sa rumaragasang koteseng malupit

siyam na segundong iglap,
niregaluhan ako ng langit ng pakpak.

« She | Agaw Buhay



All rights reserved © 2002
Verlaine June Ramos y Sigue
University of the Philippines - Diliman, Quezon City
email me