Ericson's 2002 Birthday

 

Subject: 14 prep'65 and two spouses ang attendance last Friday
sa dinner ni Ericson.

Sa Seafood Market in Baclaran binili ang delicious dinner. Nag-kamay kami!

The 'Apron Trio' provided hilarious entertainment.

Nakipag-taguan pa kami kay Luis.

More later.

Subject: Ang mga nag-regalo ng presence last Friday ay sina

Ruth, Girlie, Wilma, Ella, Loida, Maripaz, Felix, Joemelo, Benjamin, Gil, Dennis, Luis at ako.

Spouses were Nini of Ericson, and Lu of Felix.

Ang mga kinain naming kinamay ay: sinigang na isda, sugpo, macapuno alimango, inihaw na hito, inked pusit, inihaw na talong, mangga at bagoong, Nini's chocolate cake (naka-tatlong helpings ako, kaya nahiya na nang ipina-uuwi sa akin ang sobra), minatamis na saging, and Ella's desserts (nalimutan kong bayaran yung ipina-deliver ko kina Mommy!)

Yung mga absent, puede pa ninyong ipadala ang mga regalo ninyo, buong pusong tatanggapin.

Dex, sana raw binati mo si Ericson dun sa show na guest ka nung Feb 8, para sumikat din siya.

Subject: It took me less than 30 minutes to reach the Penthouse last
Friday
wala yatang gaanong nagsimba sa Quiapo kaya walang traffic.

Nauna pa akong dumating sa biniling pagkain.

Nandoon na si Ericson supervising the set-up, kaya na-request ko pa to meet his future daughter-in-law, Jackie Penson,na resigned na pala sa Hotel Intercon and is now working with Jiro sa Astivisions Inc. nila. Jiro and Jackie (magkamukha na sila) joined us, and so did Nini.

Kuwentuhan kami about the Michel Legrand concert which Eric and Nini saw, and about the Bryan Knight and Regine Velaquez concert which Jiro and Jackie saw.

Na-sample-an na rin ako ng Game Show jokes, kaya wala pa kayo ay tawa na ako nang tawa.

Q1: Sino'ng American President ang na-paralyze? Sagot: Apolinario Mabini.

Q2. Kelan ang Pasko sa Davao: Sagot: Consult the lifeline.

Q3: Ano ang kulay ng orange juice na nakalagay sa baso na kulay blue? Sagot ng ask the audience: Violet

Q4: Saan ginagamit ang pacemaker? Sagot: sa face

Subject: Sabi ko kay Jackie, di ko ni-broadcast yung love story

nila ni Jiro, na na-scoop namin ni Ataboy when she was here last July and we had that impromptu lunch with Ericson, who missed the Niagara reunion.

Small world talaga. Jackie's father, Emmanuel Penson, used to be the Special Assistant na bitbit ni Romeo David '68 dito sa NFA when he was Administrator ten years ago.

Anyway,as I recall . .

Ito raw si Jackie, matagal nang sinasabi ng Uncle niya na bagay kay Jiro, but they never got to meet. One time, na-blind date daw si Jiro by his friends to a girl who turned out to be Jackie pala.

Aba e love at first sight sila. And no objections from the family, inirereto na nga kasi, di ba?

After a few dates, kasal na ang pinag-uusapan nila, at nung dumalaw nga raw si Jiro sa bahay, nagbibilin na raw ang Lolo ni Jackie na huwag pababayaan ang kanyang apo.

Nung mag-lunch kami nina Ericson, naka-set na ang meeting of the clans dun sa penthouse for the pamanhikan, at ang wedding ay na-set for June 2002.

Naku, e starry eyed nga po si Jiro nung makausap namin last July, at lalo na ngayon!

He, he, he, nang nakiki-tsismis ako kay Tricia sa e-mail about the pamanhikan, ang ipina-ngalan na sa akin ay Tita Ana Abunda (as in version of Boy Abunda).

Subject: Nang dumating ang barkada nina Ruth
pinag-dikit na ang dalawang mesa.

Napagkamalang anak ni Ericson si Jackie. Future anak po, ang listang sagot.

Nag-excuse na ang mga bata kaya di na na-meet nung later arrivals.

Nadagdag ang Basil Valdez concert sa topics of discussion. Ang pamimili sa Seafood Market.

Nagkakayayaan sa South East Asia Cruise. Puwede na siguro ako dun sa $500 (katabi daw ng crew, sabi ni Ericson) pero definitely hindi din sa $1,000 plus. Sali na raw doon ang plane fares.

April 22 daw? Ay, too soon naman iyan, paano ang mga taga-America?

Ini-dugtong ang isa pang table nang dumating sina Felix at Lu. Hindi akalaing darating sila, kasi ang sabi sa AIM, out of town pa. Nadaan lang daw sa office kaya nakita ang yayaan, ang alam ay yung original Saturday schedule. Nag-caravan pala sila sa North. Ang galing! Banaue, Cagayan included. Felix, i-kuwento mo nga ito separately.

May inihain si Lu na hindi agad natanto kung ano. He, he, he! Kastanyas, pero nabalatan na. Mukhang mushrooms tuloy.

At 8 pm, nagyaya nang kumain si Ericson.

Subject: Tahimik, concentrated sa pagkain
ang lahat for a little while. Pinagbuti talaga.

Tulungan nga ninyo ako na pagbatiin sina Wilma at Maripaz, please. Super tampo itong si Wilma na hindi raw pala inimbita nung debut ni Maripaz. Kasalanan ko ito, dinala ko ang debut invite ni Maripaz (naka-address to Rory, Ana B and partners) dun sa dinner for Brenda.

Idinugtong ang last table nang dumating si Joemelo. Hindi na puedeng derecho, kaya naka-angle na lang.

Pa-dessert na kami nang solong dumating si Benjamin. Ikinonsulta kay Loida ang pagsakit ng ulo niya na natatakot siyang ipa-check-up. Magpa-MRI ka, Loida strongly suggested.

Paakyat pa lang si Gil, ina-alaska na kung nasaan ang regalo niya. Ako na naman ang sinisisi kung bakit empty handed ang guests ni Ericson!

Siempre, okay pa rin talaga si Dennis. Ang unggoy, nang tumawag si Baby kay Benjamin at 9:30 pm, biglang pabaklang sinabi, "Halika na rito, Darling!" kaya nagtawanan kami. Ano kaya ang inisip ni Baby sa background laughter na iyon during her call? Isinara na tuloy ni Benjamin ang phone.

Subject: Si Felix Bagas, tumawag daw kay Ericson
hindi niya na-note ang phone number kasi nasa labas siya nang tumawag.

Kung sino pa ang ibang tatawagan, paki-note lang ang number. Jimmy, ikaw yata ang nasabing tatawagan rin.

Nanghingi daw ng tulong sa kanya for employment in sales. Sa Masbate pala na-destino si Felix Bagas during the underground movement, doon na nakapangasawa, at doon na nag-settle.

One time recently, I google searched Felix Bagas and came up with a listing of Felix V. Bagas, Jr in the 2001 Metallurgical Eng'g graduates of Mapua. Baka anak ni Felix ito. Kung, baka raw puwedeng i-rekomenda kay Teddy Bernardino '66, na maraming minahan.

Small world talaga, si Tita Bernardino ang travel agent nina Ericson. Natuloy ang usapan sa Tatay ni Ino, kasi nagkita sina Ericson at Teddy at Sonny doon sa wake sa Pasay. Si Cherry Tumaneng, Soroptimist colleague nina Ruth at Maripaz.

Ayun, biglang nagka-regalo for Ericson. May dala akong printout nung speeches nina EQ at Atty Pablo.

Nadagdagan pa yung mga game show jokes ng iba pa ring jokes.

Kaya eto ang next question: Saan ginagamit ang gel? Sagot: Ask the audience.

(Kalbo ang contestant!)

Nang ikuwento daw ni Ericson dun sa lawyer nila, dedma ang pinagkuwentuhan. Kaya pala, naalala ni Ericson, BMW nga pala ang lawyer.

Subject: Nang matapos nang kumain ang lahat

showtime na! Inayos ang seats, para ringside sina Ericson, Nini and Gil. Sa SRO bleachers yung waiters. The 'Apron Trio' did not need a dressing room. Hindi available ang "New York, New York", so nag-improvise ng dance steps to the tune of "Dancing Queen". The Brenda dinner originals in the audience enjoyed this performance even more.

Next performance of the hopefully "Apron Quartet" will be in the next reunion, so you got to be there, folks! It's getting better all the time!

Si Luis na panay ang bulletin kung nasaan na siya finally got to Quirino na raw. 11 pm na iyon.

Tago tayong lahat, kunyari nakaalis na tayo. Pasok kami lahat sa bedroom. Hindi madinig kung nandoon na sa labas, hindi naman kami makasilip sa pinto.

Kami ang nabulaga, kasi pasok sa bedroom si Luis, gagamit ng restroom! Tawanang umaatikabo.

At kahit nagpahintay, siya lang daw ang may dalang gift-wrapped present for Ericson! Naks!

Kumanta kami ng Happy Birthday habang kumakain si Luis.

Nag-uwian na sila Ruth, naiwan pa kami nina Dennis, Gil, Loida at Luis. Nakipag-kuwentuhan ako kay Nini. May problema sila sa MARC Bldg (yung old, unoccupied na ngayon). Verbally na-commit sa isang government agency, tapos inu-urungan kasi disapproved daw ng board. Sus, may 2 million investment na sila, tapos siempre walang revenue.

Nung past 12 na, nagbulungan kami ni Dennis na dapat break-up na kasi full day ang schedule nina Ericson kinabukasan.

Gil dropped me off sa bahay.