Alba’s and Cafe Breton with Irma, Pat and Dex: October 8, 2002

 

Irma Venal-Escalante attended prep with us for two years, then transferred to UST.

Close siya kay Pat. She also has memories of going home to San Juan kasabay si Daddie. Kaya tuwang-tuwa siyang na-reconnect sila and exchanged e-mails.

Daddie, naaalala pa niya na since panganay ka, ikaw raw ang nag-aalaga ng iyong mga kapatid.

Irma has been in Australia for the past 28 years, has gone back to the Philippines only thrice, kasi ang family ay mostly nasa Australia at sa USA. Dinalaw niya ang mother niya dito, kasi madalas na raw na-ho-hospital.

She has four children and two grandchildren.

She arrived here Sept 29 and will go back to Australia on October 13.

Sabi ko, kung pupunta sa Sydney, one of the activities should be climbing the Harbour Bridge. Puwede raw. Kaya ko. Part of the fee goes to the grey overalls that one has to wear while climbing that bridge. Para daw hindi ma-distract ang motorists ng bright colors some people wear. E kakasyahan ba naman ako nung overalls? Oo raw kasi maraming Japanese ang umaakyat sa bridge na iyon, kinakasyahan naman.

Napag-usapan din ang mga langaw na part of the Australian summer population. Tayo lang ang may negative association ng langaw sa garbage. Dun, parang lamok daw ang langaw, nangangagat rin. Yung hat na sinusuot na may parang may net and fringe, ang purpose daw ay mang-bugaw ng langaw pag umiling-iling ka, he, he, he! I have heard about the summer langaw before, but the descriptions last night were really graphic!

Si Dex, nakapunta na sa Australia. Kami ni Pat ang hindi pa. Springtime daw magandang pumunta. Who knows? Baka magkayayaan nga?

--------------------

Hindi pa kami ang-uumpisang kumain, natugtog na ng troubadour group yung "Song for Anna", ayos! Limot agad lahat ang dinaanang baha at ang pagka-strand sa office. Panay pa ang tanong nila kung ano ang gusto naming ipakanta-whether English, Tagalog or Spanish. Sus naman si Pat, ni hindi maalala ang theme song nila ni Franklin.

Panay ang text ni Arlette kay Pat for Irma. She was supposed to be with us, pero grabe naman talaga ang traffic situation kagabi!

May sinasabi si Irma na atis daw sa Australia, halos singlaki nung platito, walang halong biro, konti lang ang buto at ang tamis! Wow, interesado akong matikman ito.

Nagpa-picture kami using my camera and Irma’s, too. Hinihintay pa nga nung waiter na matapos mag-make-up si Dex bago mag-shoot, pina-go na namin at magandang candid shot iyon.

From Alba’s, lumakad kami along Tomas Morato Ave to Cafe Breton, para medyo matagtag ang kinain. We left our bags sa van at baka ma-snatch-an daw. Ang takot ni Irma na tumawid sa kalsada, takbo agad sa bangketa!

Pagpasok sa Cafe Breton, aba’t may pinuntahang table si Dex at nakipag-beso-beso dun sa mga scriptwriters daw pala ng soap opera niya. Ini-reklamong wala daw development yung character she is playing, and was assured, may dramang away na mangyayari in a forthcoming episode. Buti daw pala at dun nagyaya si Pat!

Hati-hati kami sa dalawang crepes, sarap! Pansin lang namin ni Dex, mukhang kumapal na yung crepe sheet since the time we went there last year. Pinanood uli namin ang paggawa ng crepe to validate our observation.

Na-review ang mga lugar na napuntahan na ng prep 65 reunion. At ang mga balak pang puntahan. Sabi ni Dex, yung mga exotic places like Turkey, Morocco ang type niyang puntahan. Dahil daw siguro when she was young, her father introduced her to the world of 1001 Arabian Nights from her grandfather’s library.

Announcement: ang current declared age ni Dex ay 45. Kaya ang kaklase natin ay yung ate niya. Huling batch na siya ng prep. Naku, kahirap lang yatang magpanggap, lalo na kung mahina ka sa math. Sa year of birth, at years of graduation from elem, high school and college pa lang, bulol ka na sa pagsisinungaling!

Kinausap ni Franklin si Irma sa cell phone. He is in La Union

Sina Pat at Irma, nag-Divisoria pala prior to our dinner. Nag-relax by having a foot scrub. Plano nga raw e paa ang ipang-beso-beso sa amin.

One of these days, mag-a-absent ako sa office para makasama sa weekday Divisoria shopping nina Pat at Dex. Never ko pa napuntahan ang Tutuban Mall. Ngayong month of October daw dapat

Inihatid namin si Irma sa San Juan, tapos ako naman. Midnite na iyon.

Irma on the Philippines:

She finds the Nokia Phonetics signs (example: Don’t text while crossing the street) very amusing. Texting is not a popular activity in Australia. Mobile phone is the term they use to refer to cell phones.

Her children find the traffic here very aggravating.

Dex: on being an actress:

Dapat magaling kang mag-memorize, kasi ang bigay minsan ng script ay right before the take. At dapat magaling ka ring magtanda ng mga cues, kasi kapag may another take, nangaka-simangot na raw ang mga ka-eksena niyan. May sinabi siyang veteran actress na kahit matanda na raw, talagang photographic memory. Not only does she remember her lines, she also remembers the lines of the others in the scene, kaya nakaka-coach pa raw!

about texting:

Nasubukan na niyang maligawan sa text ng matalinong tao na later ay naka-eyeball na rin niya. 6’ 2’’ na guwapo!

About betrayal:

Feeling when you find out that someone of the same sex who is your friend ay may ‘gusto’ pala sa iyo.

 

Saisaki Megamall with Irma, Arlette, Pat, Franklin, Ria and Manny last night, Oct 10

Natuloy rin ang original Saisaki date kagabi.

Pagdating ko, nag-a-appetizer na sila. Beso-beso around. Si Irma at si Arlette ang masinsinang nag-a-update tungkol sa bawat isa. Si Ria, show agad nung purchases niya sa 30th anniversary 30% sale of ‘Our Tribe’ bags and sandals. Halika, yaya ni Pat. Wala akong pera. Siya raw meron. Ayun, tumakas kami sandali. Huwag ka nang magpaalam, di tayo mapapansin ng mga iyan, busy sa tsismisan.

Naku, time-pressured shopping kami. Nakakasalawahan! But we got a bag each. May size ako sa nagustuhang flat slippers, siya walang size dun sa type niyang sandals. Ako pa naman ay matagal nang suki ng Our Tribe at laging tumitingin doon. Kaklase pala ni Ria yung daughter ng owner.

Busog na sa shopping, di na ako makakain. Nag-concentrate on eavesdropping sa prep memories ni Irma. Naaalala pa niya yung detail na si Felice ay intentionally pinagpapalit ang kaliwa at kanan sa pagsusuot ng footwear!

Irma, sino ang naging boyfriend mo sa prep? Oppsss! Off the record na lahat ang kasunod na usapan triggered by the question.

Correction, lima pala ang anak ni Irma. Age 22 siya nag-asawa, same as Arlette.

Patingin naman ng pictures ng family mo, Irma. Inilabas ang mga pictures from the wallet. Ang cute ng apo. Exotic looking ang daughter.Walang dalang pictures sina Pat and Arlette. Si Franklin, meron! May pictures rin ako. Binigyan ko pa nga si Irma nung glamourous graduation picture ko. Marami ako niyan, lahat ng sizes, dagdag ko pa. Paramihan ba ng pictures?, tanong ni Franklin. Inilabas pa ang marami niyang pictures from his wallet. Binibigyan pa nga ng isang kopya si Arlette, para ilagay sa wallet, since she does not carry a picture of Eddie. Tawanan!

Siempre, napag-usapan ang shopping. Dati raw siyang compulsive buyer, pero ngayon, di na, sabi ni Irma. She doesn’t buy what she doesn’t need. Pero dito ay nag-shopping siya ng clothes. Wala silang office uniform. Problema sa Australia yung maliit niyang size. Yung suot niyang closed flat shoes, binili raw sa Glorietta at sale price din.

Si Pat, bags and footwear daw ang talagang weakness. O e bakit di ka nakakabili sa Our Tribe? Namamahalan, explained Ria.

Si Arlette, sa Clark daw namimili ng practical items for sale to her officemates and to store for her Mommy’s giftgiving to all relatives for all occasions. Minsan, twice a month daw sila mag-Clark.

May business na lechon from Davao sina Ria at Manny. Ang ganda nung design ng flyer! Gawin kaya ninyong postcard? Oo nga, ipi-print daw sa likod ang business address and phone numbers for orders.

Galing si Manny sa Costa Rica, and Saipan before that, but they are looking at business opportunities in China. Wow, what a big market!

Medyo natuto palang sumulat ng Chinese characters si Franklin.

Si Ria, ayaw nagpatulong sa amin sa pagbayad ng dinner. Di daw siya poor. Iyon na raw ang blowout niya for Ateneo’s UAAP basketball championship, sabi kay Franklin.

Lumakad to Starbucks. Aba, umaambon.

Iniwan na kami doon ni Manny. Maaga ang klase niya sa Ateneo kinabukasan.

Si Arlette naman ang ayaw magpatulong sa pagbayad sa Starbucks. Mawiwili na raw bumalik si Irma sa Pilipinas, kasi lagi siyang inililibre.

Na-realize naming hindi pala nakasama sina Ria at Manny dun sa picture taking sa Saisaki!

Lasing kami sa kape at tawanan sa mga mababahong apelyido at sa mga di maintindihang pronunciation ng mga di Pinoy. Basta Ria at Manny lang, walang apelyidodaw sa invitation nila! Gets ninyo?

Irma, pahingi naman ng Australian coin, panglagay sa purse, para madagdagan ang visualization ng pagpunta namin sa Australia. Ready sa hihingi! Meron akong kangaroo dun sa 50 cents ko, na kasama na ngayon nung Canada coins ko saka yung rosary ni Nini from New York at rosary ni Debbie from Loreto, na mga laging nasa bag ko.

Pero Irma, sakaling mag-prep 65 Grand reunion, ikaw na ang umuwi sa Pilipinas. Mas may linaw yata iyon kaysa immediate na pagpunta namin sa Australia. Ganun pa man, sali na sa itinerary namin ang pag-akyat sa Harbour Bridge in grey overalls, pagpunta sa Bondi Beach (and Paddington?) at dun sa red light district where she took Franklin (tingnan mo na nga kung saan nakararating pag di kasama si Pat!) Pati pag-shopping sa Padi’s market.

Bago umuwi, nag-CR muna. Paki-eksplika nga bakit may tube ice yung urinal? Na-curious si Irma, so I showed her.

Ang lakas pala ng ulan, di kami aware. Ikot tayo, di dapat malublob ang bagong sapatos ni Irma. Pili ng mga kalsadang dadaanan. Di pa nalulusong sa baha ang bagong sasakyan (10 days old) ni Franklin, na parang eroplanong may individual DVD screens, naks! Pag ganito, sasama ako sa trip to La Union!

Computer savvy ang family ni Irma. They have an unlimited cable connection to the Internet, at sa bahay ay may local area network, with 5 computers interconnected! Naks! Isali na raw siya sa prep 65 broadcasts.

Salamat at may hatid, ang dami kong bitbit na packages!