Reunion with Leni: July 27, 2002
Gising na ako nang tumawag si Leni at 6:30 am. Nasa office daw siya sa NSRI (Natural Science Research Institute from 8 am, may gagawing report. I can come anytime. 10, sabi ko. Puede raw bang 11? Siguro ayaw ng maagang istorbo. Oks lang.
I left the apt at 9. Jeepney to Philcoa. Bili ng gamot sa Mercury. Pinky, ano ang sinasabi mong matagal dun sa Mercury Philcoa? It was practically deserted when I got there, nabigyan pa ako ng Suki card (processed in 5 minutes). Nakapag-tanong pa ako nung tourniquet na parang belt, wala nga lang doon. Naka-kuwentuhan ko yung sales person about blood donations.
Sa terminal ng UP jeepneys ako pumunta. Ops! Derecho sa jeepney, natawag ng dispatcher. Doon pala babayad bago sumakay. Ayos! It took a long time bago na-institute ang efficient system na iyon. I’ve seen it before dun sa jeepneys to Katipunan, coming from the terminal in Vinzons.
Sa UP Coop ako bumaba. Nagdagdag ng investment sa UP Coop. Tapos kumain ng sinigang na isda sa UP Coop canteen. Bumili ng bagong lutong banana cue (itinutuhog pa lang). Ang lakas palang negosyo nun. Isang karitong saging yung nauubos daw sa maghapon.
Daan muna sa UP Infirmary. Bumili ng glycerin soap sa dermatologist, Dr. Angela Abadia.
Took the Ikot (malayo ang ikot) to Leni’s office. Umiinom siya ng Yakult nang dumating ako.
Kakagaling lang daw sa food poisoning a few days ago, kaya medyo namayat.
Hindi pa niya tapos ang report. Pero siempre kuwentuhan muna kami. Ipinakita ko ang pictures ng West Coast reunion nung andon si Ella, saka yung sa 25th wedding anniversary ni Ruth. Natuwa si Leni na mukhang masaya si Aida.
Medyo kinulit ko yung mga contraptions na naka-set-up dun sa room niya. May pina-fabricate siyang instrument measuring pollution in the environment. Ano yan, oxygen tank? Hindi, compressed air.
To get me out of her way, isinalang ako ni Leni sa computer. Siempre, nag-e-mail na ako sa inyo about the reunion at Ella’s. Ang sarap mag-browse sa PC niya, ang bilis ng yahoo. Ang ganda pa ng background music. Ipinakita ko rin sa kanya yung Taj Mahal ng India. (May officemate akong pupunta sa India, ipinag-re-research ko ng magandang itinerary.)
Hindi ko na napansin ang iba’t ibang ginawa ni Leni. Labas-masok siya sa room. Nung 12 na, lumabas na kami para kumain. Ikot jeepney to the Bahay ng Alumni. Sa Chocolate Kiss kami. Puno ng tao. Doon muna kami sa table sa labas. Decided to order and eat there na. Bago na-serve, napapasok na kami sa isang vacated table near the piano. Wow, sarap ng lunch. May kasamang soup yung Hainanese chicken served with rice for me, walang soup yung chicken a la Kiev served with mashed potato yung kay Leni. Siempre, nag-request kami ng soup for her, di ba galing nga sa food poisoning? Very affordable prices at P145 each yung lunch namin. Generous ang servings, pero ubos! Banana cue ang aming dessert, sarap, medyo makunat pa yung saging.
Pagkakain, naupo pa kami dun sa park chair sa lobby ng Bahay ng Alumni at nagkuwentuhan.
Ikinuwento niya yung International Chemistry Congress sa SM Megatrade Hall last February, ikinuwento ko yung NAST Annual Scientific Meeting two weeks ago. Very relaxing ang upo namin doon, sarap na nga sana mahiga dun sa park chair, lalo’t busog.
Pupunta ang research assistant sa NSRI by 2:30 pm, so balik kami sa office niya. Kinutingting ang mga gamit, oven na hindi puedeng paglutuan ng pagkain, ref na hind puedeng pag-stack-an ng pagkain, incubator na di puedeng ipang-hatch ng itlog. O, may sako ng bigas ka pa dito. Ipa (rice hull)pala iyon, niluluto para maging ash, kino-convert na silica gel.
Dumating na ang research assistant. Ops, to business na sila. Hindi ma-browse ang Internet sa PC, so sinimulan kong basahin yung libro na ipina-xerox at ibinigay sa akin. Very engrossing, "I Dared to Call Him Father" by Bilquis Sheikh.The first hand account of a Muslim woman in Pakistan who got converted to Christianity.
Tinanong nila ako about the fabrication of that plastic bottle with a fine metal sieve. Leni, ano na nga ang specs? Talaga daw mahal magpagawa ng mould.
Nagpaalam ang reasearch assistant. Kuwentuhan uli. Kain ng isa pang banana cue, inom ng Yakult. Kundol square hopia ang dessert.
Dumating si Nathan. Ayaw kumain. Siya pala ang bumili nung kundol hopia. Bigo ring mag-Internet. Kuwentuhan about google. Siya pala ang matiyagang nag-bo-browse ng prep 65 website. Ni-search niya raw ang Leni Quirit, lumabas yung celebrity quiz natin, plus some others about Leni. May nakita daw siyang books ni C.S. Lewis sa Goodwill Book Store in Makati. Hindi yung Narnia series. Mga iba pa. Tinanong ako ni Nathan about my poetry. Naubos buhat nung 9/11, kako. Babalik na raw uli pagkabasa ko nung libro, ani Leni.
O, baka may date kayo e nakaka-istorbo ako? He, he, he! Babalikan ang C.S. Lewis books sa Makati with Leni. O sige. E di tena na. Punta na rin kayo sa Greenbelt, maganda roon pag gabi.
Ini-reset ni Leni yung air-con na naka-automatic setting pala ay napakialaman ko earlier nang mainitan ako.
Lakad na kami. They dropped me off sa Eunilane on their way to the MRT in GMA Kamuning.
Itinuloy ko at natapos basahin ang libro sa bahay na. Sana nga, bumalik na yung mga tula.