Luis Birthday Celebration: August 31, 2002

Took MRT to Taft, then LRT to UN Ave, to avoid the road traffic. Hindi pala aircon ang LRT kaya parang hinalabos na hipon ako pagdating sa Barrio Fiesta at 1:40 pm.

Kumakanta na ang Tagalog song pero Chinese sounding yung isang loaded Lion.

Aba. Todo ang delegasyon ng prep 65. Dennis offered his seat up front para masabay ako sa kumakain pang si Ericson.

Tanungan sila lahat kung bakit ako late. Dumaan pa kasi ako sa wake ng landlord ko sa apartment, na ililibing na that afternoon.

Nanood muna ako ng entertainment. Kumanta ng Granada at isa pang Italian song yung senior Lion. Si Debbie, katatawag lang daw from Italy, sabi ni Luis.

Hindi na ako naka-halo-halo, kasi ang inihain sa akin ay boullabaise soup, pinakbet (isang kawali), crispy pata, pancit palabok, fruit salad at cake pa! Hay, ang busog! Di ko na nga na-sample yung ensaymada baked by Mila (wife of Pocho). Si Ericson, panay ang papak nung crispy pata, tinanong ko tuloy kung nakainom na ba siya ng gamot. Itinapat daw kasi sa kanya!

Kumanta si Luis ng "I Believe". Elvis original daw iyon. Serious yung first round, pero parang sirang plaka, na-spoof na sa next rounds. "Everytime I hear a newborn baby cry, uha, uha . . ." Tapos pa dinugtungan ng "it’s not mine".

Kumanta si Gil ng "My Way", saka "Matudnila".

Si Pocho sang "Beautiful Girl", na ipinang-audition daw niya sa Glee Club noon. Hindi tanggap sa Glee Club, pero nanalo sa declamation, sabi ng mga asar.

Siempre, may jokes si Ericson. Sample: Nag-decide maghiwalay ang nag-aaway na mag-asawa. Goodbye, mother of 5, paalam ng husband. Goodbye, father of 3, retorterd the wife.

Mga Kris jokes: Sabi daw ni Mike Velarde, El Shaddai si Kris. Favorite hang-out ni Kris: Makati.

Tinawag ang magandang si Gloria Taccad para kumanta. Maganda ako, pero di marunong kumanta, tanggi ni Dex. Inulit na naman yung linyang wala raw kaming pakinabang kay Luis, hindi kasi ma-corrupt.

Luis will serve as parang Undersecretary to Emilia Boncodin of the Department of Budget and Management. Lilipat siya ng office from the 3rd floor to the 2nd floor of Mabini Hall.

Nandoon sa party yung secretary ng CA. O, dapat Admiral na si Franklin pag nag-retire.

Kung magiging presidente daw si Luis, cabinet members na kaming lahat. At si Pocho sa Supreme Court, si Wilma sa Dept of Energy, si Ruth sa Dept of Finance etc. Wala nang matitirang position para sa mga Lions.

Talaga raw may favoritism, kasi prep 65 lang ang may halo-halo. Order din kayo, sabi sa mga loaded Lions, na mga puwede raw kidnapin.

Nagsalita rin si Secretary Estrella, na adopted Lion.

Siempre, nag-picture-taking ang two groups. Mas bihis naman yata kaming lahat ngayon kaysa last time. Hindi na kamukha ni Luis si Louise, at si Trix ay nag-slim na. Ang tangkad na ni Lean. Mas kamukha pa ng mga loaded Lions ang mga anak ni Luis.

Pinag-usapan ang Tonka Fund habang namamapak ng matamis na grapes. Iniwan na nina Ennah si Luis.

Inihatid ako nina Pat sa Makati to get my Davao contact prints.